Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Tampok

Hagkan

waning gibbous by ̶4̶̶b̶̶5̶̶y̶̶n̶̶t̶̶h̶ Lagi nang inaabangan ni Red ang babae sa ilog tuwing sasapit ang buwan ng Hunyo -- tag-ulan. ‎ ‎Hangad niyang mahawakan muli ang kamay nito, di tulad noong una nilang pagkikita na nabitawan niya dahil sa rumaragasang agos ng ilog. Malay siya, na hindi ito tao, ngunit sa pakiwari niya'y buhay na buhay ito; siya ang nagbigay-buhay kay Red. ‎ ‎Ikalabing anim na araw na ng Hunyo, ngunit hindi pa rin bumabagsak ang ulan mula sa kalangitan. Ganoon din ang babae, hindi pa rin nagpapakita. Tanging ang maliwanag na buwan lamang ang nasisilayan, kalahati ng kabuuan nito ang nagkukubli pa lamang.  ‎ ‎Ngunit ng gabi ring ito, isang dampi sa nanlalamig na kamay ni Red ang naramdaman niya. Umaliwalas ang repleksyon sa ilog ng kung sinomang may gawa nito. Siya na nga ulit! ‎ ‎Nilingon ulit ito ni Red gaya noong una, ngunit wala pa rin siyang maaninag na katawang-tao, pero sa repleksyon, nakatingin din ito sa kanya.  ‎ ‎"Ano...

Mga Pinakabagong Post

Pag-alaala't Paglimot sa Pamamagitan ng Stick ng Marlboro Black

MGA NALILIGAW NA KATAWAN

Pestilence - grim_noise

Some digi ahrtz

TIPAN: Koleksyon ng mga Dagli (Nailimbag sa Aklas Literary Folio ng The Torch Publications, PNU Manila, 2013)