NAKANGINGILONG GASGAS NA PAKSAIN

GASGAS NA ANG PAKSANG PUTA SA MGA AKDANG PAMPANITIKAN. Binabasa sa teksto, minsan napagmamasdan sa kahabaan ng madilim na Cubao o mapanganib na Recto. Hindi ko pa nabasa si Tony Perez at mga kwento nya sa Cubao, ganun din sa mga may akda sa Recto, sa Monumento o kahit saan man, maski ang Pilipinas. Pero, madalas nakaliligtaan nating basahin at pagmasdan ang kalagayan nilang 'pinagputa'.

Madalas akong nakakauwi nang umaga na dahil sa gig, madalas ko ring nadadaanan ang Cubao sa kanyang pinakahubad na porma, o para sa mga edgy kid ni Freud ay ID o ni Carl Jung ay SHADOW. Madalas ko ring isipin oo nga, paychologically, ito ang oras na kitang kita ang repressed na katauhan ng lugar. Pero kapag tinignan natin maigi, di lang ito repressed na mukha ng Cubao, oppressed din ito, naghuhubad lahat ng ampon ng Cubao, pero gutom silang naghuhubad.

Ano naman? Pagod ako sa trabaho. Puyat ako sa gig. Nagmamadali akong umuwi. Ganito tayo magbasa, ganito tayo tumingin. Nagmamadali. Gusto natin pati pagproseso sa mga bagay bagay ay instant. Sapat na sa ating ma-inform na puta sila, period. Tayo din naman kasi ay pinagputa, pero nagdedeny tayo ng sarili dahil romanticised ang gusto nating idea na namumuhan tayo kumakayod tayo at may pa elite tayong kagustuhan na kaya nating gawin sa malinis na paraan at di tulad nila. Lagi tayong naglalagay ng dichotomy ng self-other. Pero di natin matanggap na salamin ang kaharap natin sa tuwing pinagmamasdan sila, at lahat tayo ay pinagputa ng lipunan. Nitong lipunan na may sistemang gusto tayong lumigaya sa di makatotohanang ligaya.

So ano pong ipinaglalaban natin? Ito lagi ang nagtatalong pag-uusap sa isip ko pagkatapos kong dumaan sa Cubao o kung nakasakay na ko. Lagi't laging ang tanong natin eh pagtakas sa konkretong kalagayan. Hindi ito usapin ng kung ano ang ipinaglalaban, usapin ito ng latay sa kamalayan. Lagi nating inuuna ang sarili: lagi tayong rasyonal, lagi tayong praktikal. Sayang ang oras, may gagawin akong mas mahalaga. Hindi ba't para na din tayong pinagputa? Minomonopolyo ng sistemang kailangan natin sundin at gawin ang oras, ang lakas, ang katawang-tao at mental nating kalagayan. Tao lang tayo sa oras na walang pasok, walang trabaho o walang iniisip na abala. Pero makinarya tayong walang kaluluwa sa ginagawa, sa trabaho, sa pagpasok araw-araw na di natin alam kung paano makakaalis.

Daig pa tayo ng mga pinagputang mga magsasaka at manggagawa, at ng mga tinatawag nating puta. Punong-puno sila ng idea na may pag aalayan sila ng pagpupuhunan sa katawang-tao. Tayong mga nakaaangat, mas nagrereklamo pa tayo sa mgs bagay na madalimg masolusyonan kaysa sa mga bagay na lahat ng tao sa paligid natin ay apektado, direkta man o hindi.

Pasensya na sa makakabasa, wala akong intensyong magsulat para sa mga hurado, kritiko, pula o dilawan, maski keso de bola. Matagal ko na tong gustong isulat, kaso ngayon lang nagkaroon ng oras dahil kailangan kong magputa sa oras na idinedemand ng konstruktibong pera-mode na institusyon ng buhay. Gusto ko lang magbahagi ng nauseating na sama ng loob. Sana di tayo tuluyang maging putang mga pinagputa.

Mga Komento

Kilalang Mga Post