Pag-alaala't Paglimot sa Pamamagitan ng Stick ng Marlboro Black
*hindi ito sponsored, pero baka pwede mo namang... huyyyy anong pwede mo namang? Babala: hindi ito kaligayahan O sabi ng mga kaha ng sigarilyo nakasasama sa kalusugan. Pero sa bawat hithit at pagpapadausdos ng usok sa lalamunan saka lang ako nakakahinga nang maalwan; nakasasama sa kalikasan ang bawat buga ng usok. Makasarili ito. Kaya wala ring panuto kung paano ba ang tamang paninigarilyo. Makasarili ito. Kaya dito ko natutuhang lumayo sa mga tao, lalong lalo na sa iyo. Dito ko nagawang pagbigyan ang layaw at pagrerebelde ng katawan habang pilit kang kinakalimutan limutin kung paano mo ko kinumutan ng iyong titig, ng paglalambing kung paano mo ako inangkin kung paano mo sarilihin. Para kang nicotine, madikit sa labi at hininga at sa mga ugat na nagsanga-sanga sa buo kong katawan sa buo kong katauhan. Sinikap kong araling mag-isa ang paninigarilyo: 1. Ilapat sa labi ang filter na bahagi, gaya noong tapatin mo ako sa pamamag...

