DISTANSYA


"manatili kayo sa loob
pagkat may kumakalat na sakit
manatiling nakataklob
sa bibig ay magtakip"

matagal na tayong nagtakip
ng bibig, mata, ilong at tenga
maski ng pandama
na ang lipuna'y di masikip

"panatilihin ang distansya
wala munang maglalapit
pagkat may sakit
na lubhang nakakahawa"

matagal nang may agwat
at kailan ba lumapit
ang gahaman sa salat
di ba tuwing halala'y sasapit
lamang? Pagkat manlalamang?

Mga Komento

Kilalang Mga Post