RESURECCION, REVOLUCCION
Pagbangon
Ng mga dinakip, tinortyur, winala
Pagbangon
Ng mga pinagpasakitan
Pagbangon
Mula sa pandarahas
Ng mga Pontio Pulitiko
At ng Saserduterte, ng mga Pariseong nagtayo ng templo
Sa lupang kanilang inangkin.
Sabi ni Kristo, mawawala ang mga gusaling bato,
At ang lupang kinatatarikan ng mga gusali ay para na sa Sangkatauhan.
Sa sinabi niyang ito
At sa pagkakanulo ng mga hudas
Siya ay dinukot, tinortyur, ipinako
Sa kasalanang magmulat, mag-organisa, at magpakilos sa Sangkatauhan.
Ngunit, di mamamatay ang mga kristo.
At taon-taon maaalala ng mga tao ang Pascua
Ng pagkabuhay,
Ng pag-asa,
Ng paghihimagsik
Dahil bitbit natin
Ang krus at pasyon.
Sa ngalan ng karapatan, kalayaan, at buhay ng sambayanan
Ang lunas at bukas ay sumaatin nawa.

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento