Bakit Vendetta?

Vendetta. Bakit Vendetta ang title ng blog ko?

Kapag gumagawa ka ng tauhan na may galit at poot sa loob ng kanyang puso, maaari mo siyang pagalawin ng naaayon sa kontrol mo na sinusundan naman ng kanyang pag-iisip at emosyon. Iba kasi ang tauhan na may paghihiganti at pagtatanim ng galit sa puso. Kaya niyang gawin lahat. Oo lahat ng uri ng katakot-takot at kagimbal-gimbal na gawain para lang magampanan ang kanyang paghihiganti.

Sa totoong buhay, ako ay may pinagdadaanang ganitong kalagayan. Mapagtanim ako ng galit. Pero ang kaibahan ko sa mga katauhang nililikha ko, takot akong gumawa ng bagay na makakasakit sa mga kaaway ko at madali akong magpatawad kapag lumipas na ang sama ng loob ko. Sa totoong buhay din ay duwag ako, at ginagamit ko ang mga tauhan ko para gawin ang hindi ko kayang gawin.

Masasaksihan ninyo na ang mga magiging tauhan ng aking maikling kwento, dagli, o kahit ano pa mang gawang panitikan ay may temang Vendetta. Pinanghahawakan ng temang ito ang teoryang eksistensiyalismo at absurdismo.


Mga Komento

Kilalang Mga Post