V (Scene 3 mula sa dulang ESCAPAR)
Ezekiel:
Pare,
ano bang iniisip mo?
Elija:
V.
Ezekiel:
Anong V?
Elija:
Vendetta.
Ezekiel:
Ang gulo mo naman diretsuhin mo nga ako.
Elija:
Gusto kong gumanti! Gusto kong ipaghiganti ang asawa ko. Pero di ko alam kung
paano. Humanda talaga ang
may kagagawan noon sa kanya pag nakatakas ako.
Ezekiel:
Sandali lang sino ba ang pumatay sa kanya?
Elija:
Ang tatay niyang gagong sabik na sabik sa pera!
Ezekiel:
Kung ang tatay niya ang pumatay, anong ginagawa mo dito?
Elija:
Finirame-up ako. Pagdating ko sa bahay.
Ezekiel:
Oh talaga. Akalain mo may tatlong buwan ka na pala dito sa loob na nagbabayad
ng kasalanang hindi mo
naman ginawa?
Elija:
Oo, tatlong buwan na rin akong nagdurusa. Kaya gusto kong gumanti, pero di ko
alam kung paano, at di
ko magawa.
Ezekiel:
Kaya pala sulat ka nang sulat ng V sa pader. Kaya pala nakatulala ka lagi.Kaya
pala..
Elija:
Oo, dahil gusto kong gumanti! Tulad ng pagpatay sa asawa ko!
Ezekiel:
Gusto mong gumanti sa pamamagitan ng pagpatay?
Elija:
Oo, pero di ko magawa.
Ezekiel:
Bakit wala na bang ibang paraan?
Elija:
Wala na. Vendetta lang ang katapat nun. Pero, di ko magawa.
Ezekiel:
Bakit di mo magawa?
Elija:
Hindi ko alam.
Ezekiel:
Gusto mong gumanti pero di mo kayang gawin, Elias manahimik ka na lang dito sa kulungan.
Elija:
Hindi ko kayang manahimik dito Ezekiel. Hindi ako tanga para pumayag na
makulong akong
inosente!
Ezekiel:
Pre tapos na ang mga hearing mo. Nahatulan ka na ngang guilty eh, lalabas ka
pa.
Elija:
Hindi kasi ako taong kriminal na tulad ninyo!
Ezekiel:
pare, baka ikaw naman talaga ang pumatay! Aminin mo na kasi!
Elija:
sinabing hindi nga ako tulad ninyong mamamatay tao!
Ezekiel:
Hoy gago! Tandaan mo, nandito ka sa teritoryo namin, kung katulad ka namin o
hindi, purulin mo na yang
tabas ng dila mo! Baka gusto mong sumunod sa asawa mo?
Elija:
Bakit, isusunod mo ako mga inosenteng taong pinatay mo? Hindi ako natatakot.
Ezekiel:
Oo, pwedeng pwede kitang patayin. Total pang habang buhay na ko dito.
Elija:
Gawin mo!
Ezekiel:
Bakit di ikaw ang unang gumawa? Subukan mo.
Elija:
Hindi ako mamamatay tao.
Ezekiel:
Kapag pinatay mo ko, sulit na ang pagkakakulong mo.
Elija:
Manahimik ka. Ang gusto ko, makalabas dito!
Ezekiel:
Huwag ka nang umasa.
Elija:
Anong sinabi mo?
Ezekiel:
Nahatulan ka na diba? Hindi ka na makakalabas pa dito!
Elija;
Gago ka ah! (Suntok)
Ezekiel:
Aba, magpatayan na lang tayo. Tang ina ka, ako pa’ng kinalaban mo!
Elija:
Patayin mo ko sige!
Ezekiel:
Sige! Kung iyan ang gusto mo! (Akmang sasaksakin si Elija)
Elija:
(Nadaplisan.Pero agad na sinipa si Ezekiel sasikmura.) Buhay din lamang ang
sinisigaw ng sikmura
ko,ngayon ko na sisimulan ang pagganti ko! (Sabay hugot ng lanseta sa bulsa)
Ezekiel:
(Nakalupasay sa sahig) Wag…
(Lights fading out)
***
Elija:
Chief! chief! Tulong! May dugo si Ezekiel!
Chief:
Ano? (Sabay bukas ng rehas)
Elija:
(Hawak ang lanseta) Hahahahaahahaha!
Chief:
Anong naka--?
Elija:
(Sinunggaban ng saksak sa leeg ang pulis) Ngayon, binabawi ko sa ngalan ng
batas, ang kabulukan ng
hustisiyang hinatol ninyo sa akin!
Chief:
(Naghihingalo)
Elija:
Hahahahahaha! Simula na ng V. VENDETTA!
Tumakas si Elija. Tumakas at pumara ng jeep. Pumara
kasama ang pusong gutom sa paghiganti..

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento