ANNIVERSARY
Makikipag-date si Dante. Anniversary ngayong araw. Kailangan magdala sya ng bulaklak, pero walang tsokolate. May dala syang tula at hindi love card. May dala rin syang kandila na hindi para sa cake. At pinaka pinaghandaan nyang dalhin ang kanyang puso para sa pag-aalay ng pag-ibig.
Malapit na sya sa lugar na kung saan sila magdedate. Maraming taong nakapaligid. Makikipag-date rin sila sa ka-date nya. Sabay-sabay nilang sinindihan ang kandila at inialay ang mga bulaklak kasabay ng pagbikas nila ng kanilang mga tula.
Natapos ang date. Naiwan sa lugar ang isang banner na nagsasabing "Paggunita sa araw ng Mendiola Massacre"...


Mga Komento
Mag-post ng isang Komento