Kabataan


Abala ang nagmamadaling lipunan
Na kanilang panustos nawa’y mapag-ipunan
Mga trabahador na kasalamuha sa Santolan
Sa LRT sila’y nakikipagsiksikan.
Mga munting heredera ng bayang sinilangan
Hayon at sa manggagawa’y nakikipagtunggalian
Sa edad nilang taliwas sa nangagmamadaling lipunan
Nagmamadali upang pamilya’y masustentuhan.
Kabataan
Ikaw ang pag-asa ng bayan….

------------------------------------------------

Sa kinagabihan na dapat
pagpikit at pakikipagniig sa kawalang-malay na dimensyon
ang inaatupag, bagkus nakatali
amg isipan sa magulong mundo ng pakikibaka
at pagtahak sa krus na landas ng buhay.
Agad napapawi ang himbing at kapayapaan
ng isipan at ng pusong tumitibok
at sa nalalapit na namang pagkayod at pagkurba ng tadhana
nananatiling hapo ang iyong matatag na isipan at kalooban.
Sa mura mong katawan
na pilit na binubugbog para magkalaman
sikmurang kung palagia'y lutang 
sa kagutuman
ay di mo alintana.
Bagkus kabataan 
ika'y matapang na naninindigan
para sa paggawang marangal
Mabuhay ka!

Mga Komento

Kilalang Mga Post