BALITA NI JACK MANGAGAPAS
Alas-nueve ng gabi.
Inihanda ang papel at tinuklap ang takip ng bolpen
Umagos ang tinta ng mga salitang nagbabalita.
Alas-nueve imedya.
Kasabay ng Deadline ang pagtatapos ng pagsusulat
“TITSER KINARNE NG LRT”
Ang balitang ipinasa’y pinunit at ibinato
Ng punong-patnugot at agad siyang iniskandalo.
Alas-diyes ng gabi
Nasaksihan ng patnugot ang babaeng nahagip ng lrt
At tumilapon ang hawak na class record.

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento