Headline

Binuksan ang kandilang magniningas ng init at liwanag sa dilim. Nagdikit ang dalawang katawan at naghalo ang mga pawis. May mga lalaking sumingit habang magkadikit ang kanilang mga katawan. Binuka ng mga lalaki ang kanilang mga bibig na kasinlaki ng ipapasok. Habang ipinapasok ay dilat ang kanilang mga matang tinatanggap ang nasa bibig. Ipinutok ang bagay sa loob ng kanilang mga bibig. At saka umalis ang mga lalaking iniwan silang nakatihaya.

Kinabukasan, isang headline ang gumising sa umaga ng mga tao, "2 TIBAK, BINARIL SA BUNGANGA!"

Mga Komento

Kilalang Mga Post