SACRILEGIUM

Inedit ni: Nathanielle Torre




IN NOMINE PATRIS

                    Linggo na naman. Araw ng Pangilin. Araw na kung saan magsisimba ng buo ang pamilya. Samantalang ang pamilya nina Anton ay kumpletong pumupunta ng simbahan, pero nagkukulang kapag naupo na sila para makinig ng misa.

                 "Mommy, bakit po lagi na lang tayong ganito? Buti pa sila, kumpletong makikinig ng misa. Tayo, laging iniiwan dito ni Daddy." Inip na inip na si Anton sa pagisimula ng misa. Pinipisil ng kanyang ina ang kanyang malusog na kanang braso.

                "Huwag kang mag-alala anak. Halika upo ka na ng maayos, magsisimula nang magmisa si Daddy..."


---------------------------------------------------------------------------------------------------------------

ET FILII

               Lumalangitngit ang kahoy na kama kasabay ng pag-impit ng mga halinghing. Nangangatog ang matipuno nyang katawan sa sarap habang nakapailalim sa byudang inangkin sya at inangkin nya sa mga oras na iyon. Papalapit na ang signos ng buhay. Napakapit ang byuda sa kanyang malalapad na balikat. Ginawa nilang  marahas ang romansahang kanina'y malumanay.

               Natapos na sila at nakaraos. Humupa na rin ang kaninang init na sa kanila'y nagbigay-buhay.

               "Mas magaling ka talaga sa tatay mong babaero. Hala, magbihis na tayo..."


---------------------------------------------------------------------------------------------------------------

ET SPIRITUS SANCTI

              "Hindi na po ulit ako mapapahamak, Sister." Tuwang tuwa ang batang si Ana habang naglalakad.

              "Bakit naman, Ana?" Ang madre'y abala sa pagrorosaryo ng tahimik habang hawak-hawak sa kabilang kamay ang bata.

              "Nagdasal po kami ulit ni Father kanina. Nasa akin na po ulit ang Holy Spirirt. Nawawala daw po iyon kapag di kami nagdadasal ni Father."

             "Aba, mabait na bata. Buti naman at nagiging madasalin ka na." Inilagay ng madre ang rosaryo sa bulsa ng kanyang palda.

            "Kaya lang po sister...." Nanlumo ang mukha ng bata habang tinititigan ang madre.

            "Oh, bakit anong problema iha?"

            "Masakit po kapag pinapapasok ni Father yung Holy Spirit dito sa loob ng palda ko...."

Mga Komento

  1. Mga pawang katotohanan lang ang mga nakasulat. Masakit mang aminin ngunit ito ay parte ng reyalidad ng buhay! Nung panahon palang ng espanyol, nagsimula na to... Mula sa mga Prayle hanggang sa mga pari sa kasalukuyan. Animo'y mga Santo, ngunit nagsasanto-santuhan lamang pala! Kaya VENDETTA, Thumbs up ako sayo!!!! ..... Isa lang ang ibig sabihin niyan, V for VITWATER, ah este VENDETTA! Galing mo fre! =))

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Kilalang Mga Post